Abante Tonite Interactive

Mga baboy sa Bulacan, Rizal itokhang — DA

341

Ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) ang pagkatay sa mga alagang baboy sa Bulacan at Rizal infected man o hindi ng African Swine Fever (ASF) virus.

Sa kanilang press briefing sa Makati City nitong Miyerkoles, inihayag ni DA spokesperson na pinapatupad na ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ng mga DA regional office ang tinatawag na 1-7-10 protocol para makontrol ang kontaminasyon ng ASF virus sa mga babuyan sa bansa.

Sa nasabing protocol, lahat ng alagang baboy na nasa loob ng two kilometer radius ng infected farm ay kinakailangang katayin na at maglalatag din ng quarantine checkpoint para hindi makalabas ang mga infected na baboy at mga produktong gawa sa karneng baboy.

Mahigpit ding babantayan ng BAIA at regional field office ng DA ang mga babuyan na nasa loob ng seven kilometer radius at isasaila­lim sa pagsusuri ang mga ala­gang baboy dito para malaman kung may infec­ted ng ASF virus.

Sa kabila nito, tiniyak ng DA na ligtas pa rin kainin ang mga karneng baboy na ibinebenta sa mga palengke sa kasalukuyan. (PNA/Dolly Cabreza)