Abante Tonite Interactive

Mga babuyan sa Dinalupihan positibo sa ASF

0 211

Kinumpirma ni Dinalupihan town Mayor Gila Garcia na positibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga babuyan sa apat na barangay na sakop ng kanyang bayan.

Pero hindi muna ibubunyag sa publiko kung anong barangay ang mga ito.

Inaalam na rin ng Bureau of Animal Industry at Provincial Vetenerarian Office kung hanggang saan ang lawak ng ASF sa lalawigan ng Bataan at nagsasagawa na rin sila ng ASF test sa iba pang bayan.

Tiniyak naman ni Garcia at ng provincial government ang paglalatag ng mga safety measure upang makontrol ang problema at hindi ito maging panganib sa mga consumer. (Randy Datu)