Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga backride buking na `di asawa, ka-live in

0 462

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na nasa 1,283 rider ang kanilang nahuli na may barrier subalit hindi naman pala asawa o live-in partner ang angkas o backride.

Sabi ni Malaya, sa Laging Handa briefing, patunay ito na maraming nagpapalusot na nagkakabit ng barrier subalit hindi naman talaga mag-asawa o live-in partner. Ipinunto ni Malaya na ito ang dahilan kung bakit mahigpit sa backride policy ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19.

Tiniyak ng opisyal na pagkatapos ng Hulyo 31 ay magiging mahigpit na ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng patakaran sa barrier at mga backride.

Leave A Reply

Your email address will not be published.