Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bagong botante sumipa sa 5.7M

0 159

Nasa 5,727,223 na ang kabuuang bilang ng mga bagong botante na nakapagparehistro sa Commission on Elections (Comelec) para sa pambansa at mga lokal na eleksiyon sa taong 2022.

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ang naturang bilang ay naitala hanggang kahapon.

Kasabay nito, balak din ng Comelec na i-reactivate ang may 6.3 milyong botante na una nang na-deactivate matapos na mabigong bumoto sa loob ng dalawang magkasunod na halalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung kalahati man lamang aniya ng naturang milyon-milyong deactivated voter ang ma-reactivate nila ay maaabot nila ang mahigit 8.8 milyong mga registrant.

“5,727,223 new registrants as of today, August 2021. If only 50% of deactivated voters of 6.3M will be reactivated, we can hit 8,877,233,” tweet ni Guanzon.

Ang voter registration ay nakatakda nang magtapos sa Setyembre 30, 2021 at hindi na ito palalawigin pa ng Comelec. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.