Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bagong P1K babaha sa Zambo

0 125

Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP) Zamboanga City na sisimulang ikalat ang mga bagong P1,000 bill sa fourth quarter ng taon.

Ayon kay Noelle Angela Pamaran, BSP senior research specialist nasa 10 milyong piraso ng polymer bills ang inisyal na inimprenta at karamihan ay inilabas sa National Capital Region sa April.

“It (new banknote) will be circulated by the fourth quarter this year or 2023 here. All of us will have the opportunity to get hold of the first polymer bill banknote in the Philippines,” ayon sa inilabas na pahayag ni Pamaran .

Ang bagong P1,000 bill ay nagtatampok sa Philippine eagle at Tubbataha Reefs Natural Park sa Palawan.

Sinabi pa ni Pamaran na ang lumang P1,000 ay maari pa ring gamitin.

Pinayuhan din ng BSP ang publiko na gastusin ang bagong P1,000 at huwag ibenta sa mas mataas na halaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.