Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bagong Valdez, Santiago tutuklasin

0 82

Kabilang sa bubuhayin ni Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) president Ramon Suzara ang matagal nang nabaon sa limot na age-group indoor volleyball.

Isasama ng opisyal sa programa ng PNVFI ang age-group events kung saan naging produkto nito sina Premier Volleyball League (PVL) star Alyssa Valdez, mag-utol na sina Philippine SuperLiga (PSL) stars Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat, Abigail ‘Aby’ Marano at iba pa.

“Bring back again the age-group championship. Iyong mga inter-elementary championship, inter-secondary, inter-collegiate, national open,” saad ni Suzara sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast edition Martes ng tanghali.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hinirit pa ng opisyal sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation, Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream media, na hindi na rin solo ng coach ang pagbalangkas sa national team, kasama na ang itatatag na national selection committee.

Kakikilala lang kay Suzara at sa PNVFI ng International Volleyball Federation (FIVB), Asian Volleyball Confederation (AVC) at Philippine Olympic Committee (POC) bilang bagong national sports association ng balibol sa bansa. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.