Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga baguhang hubadera salpukan sa pandemya

0 187

ROMMEL PLACENTE:Mukhang nanunumbalik na naman mga ka-Cuatros ang genre ng sexy films ha! Hayan at may mga gagawa na naman ng mga pelikulang ang tema ay sexyo hubaran. Ang pelikulang Burlesk Queen na pinagbidahan noon ni Vilma Santos,ay ire-remake. Nagpa-audition na ng magiging bida rito.

Sandra sasabak sa hubaran

Ganoon din para sa pelikulang Lust Nights. Naghahanap sila kung sino ang pwedeng magbida rito na dapat ay walang kiyeme at handang ibilad ang katawan.Balita namin ay maga-audition si Sandra Lemonon. Sasabak na ba siya talaga sa hubaran?

Ang pelikulang Scorpio Nights na pinagbidahan noong 1985 ng dating sexy actress na si Anna Marie Guttierez ay muling ire-remake for the 2nd time around.Noong 1999 ay nagkaroon ng Scorpio Nights 2 na bida si Joyce Jimenez Ngayong gagawin muli ang nasabing pelikula,sino kaya ang maswerteng mapipiling magbibida? Sa panahon ng pandemya, balik ang sexy films . Abangan na lang natin mga ka-Cuatros kung sino-sino ba ang magbibida sa tatlong sexy films na binanggit ko.

MILDRED BACUD: Ngayon ay may trend na naman ay mga baguhang sexy stars.

Naalala niyo mga ka- Cuatros, nu’ng ni-launch ang music video ni Saczhna Laparan as Ms. Flawless ay nabanggit sa atin ni direk RS Francisco na balak niyang i-remake ang pelikulang Tagos ng Dugo. Yun nga lang dumating ang pandemya at maraming mga projects ang naunsyami. Sa ibang production outfit ko na nabasa na nakakuha ng rights ng Tagos ng Dugo. Pinaabot natin ito kay direk RS at nanghinayang siya sa nasabing pelikula.

Sa mga nagsusulputan sexy movies na binanggit mo friend Rommel mukhang may makakalaban na sa paseksihan si Ivana Alawi.

Ang anak ni Jeric Raval na si AJ, gumagawa na rin ng pangalan, ha. Bagay sa kanya na ibigay ng Viva Films ang Scorpio Nights.Sana mapunta sa kanya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

RODEL FERNANDO:Pansin ko nga mga ka-Cuatros na sa panahon ng pandemya ay may mga mapangas na palabas tulad ng BL series, sexy movies .Umingay nga ang Anak Ng Macho Dancer, Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar at iba pa. Kaya kung nagiging open na muli ang movie industry sa ganito, maganda naman kasi mas maraming choice na panoorin ang mga tao.Bukod dito, mas maraming may trabaho.

Kung true na maga-audition ang beauty queen na si Sandra Lemonon sa Lust Nights, malaking desisyon ito para sa kanya. Si Sandra ay kasabayan ni Ms. Universe Rabiya Mateo.Naging kontrobersyal nang umalma sa resulta ng Miss Universe Philippines.

Heto pa, si Ali Forbes, isang beauty queen na magiging mapangahas din sa gagawin niyang pelikula na “Killer Nurse” with Raymond Bagatsing. Balita kasi na marami siyang daring scene kay Raymond. Sure na sure na kababaliwan ng mga Adan kapag napanood ang kanyang sexy movie.

ROLDAN CASTRO: Mukhang sasaya ang showbiz dahil maraming female starlet na naman ang magsusulputan.

May kalalagyan talaga si Ivana Alawi pag inilunsad na sila. Nandiyan din si Sunshine Guimary na tinaguriang Braless Goddess at may launching movie. Si Monay Madrigal na ilulunsad din ng Godfather Productions.

Iba rin kasi pag maraming sexy stars na lilitaw. Babalik na naman ‘yung mga gimik na pakwan lang ang takip sa boobs pag may pictorial.Nandiyan ‘yung hubo’t hubad habang may presscon.May sexy star din na hindi nagsusuot ng panty at kung anik-anik.

Maraming katsipan na pakulo pero masaya.

Sa panahon ng pandemya, matinding aliw ang dulot ng mga baguhang hubadera.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.