Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bakunado lang sa mall, resto namumuro

0 159

Posibleng payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang hirit ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na mga bakunado lamang kontra COVID-19 ang payagan makapasok sa mga establisimiyentong katulad ng mall at restaurant.

“`Yong proposal na binigay namin sa IATF tungkol sa pagpapasok sa fully vaccinated sa business establishments ay mukhang approved na rin,” sabi ni Concepcion sa isang panayam sa radyo kahapon.

Paliwanag niya, nandito ang pag-asang magtuloy-tuloy ang mga negosyo para hindi na mag-lockdown.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, kahit ituon muna ng pamahalaan ang pagbabakuna sa Metro Manila at 50% ng populasyon nito ang mabakunahan, maaring makapagbukas ulit ang mga mall, restaurant at spa para sa bakunado lamang.

“Hindi ito diskriminasyon. It’s a health issue,” ani Concepcion.

Dagdag niya, proteksyon din ito sa mga hindi bakunado dahil 80% sa mga naoospital sanhi ng COVID ay mga walang bakuna. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.