Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bakunadong APOR libre sa MRT, LRT, PNR

0 82

Magkakaloob ng libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT-3), Light Rail Transit (LRT-2) at mga tren ng Philippine National Railways (PNR) para sa mga pasaherong bakunado na kontra COVID-19 simula ngayong Agosto 3 hanggang 20.

Partikular na ibibigay ang libreng sakay sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APOR) na kinakailangang bumiyahe habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, upang maka-avail ng libreng sakay, kinakailangan lamang na ipakita ng mga APOR ang kanilang vaccination card bilang patunay na nabakunahan na sila. (Dolly Cabreza/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.