Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bakwit unahing bakunahan

0 73

Hinimok ni Senador Joel Villanueva ang pamahalaan na dalhin ang COVID-19 vaccination drive sa mga taong pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center.

“Bigyan na po natin ng bakuna ang mga bakwit para mapabilis pa nang husto ang rollout,” sabi ng senador.

“Kung mayroon na pong mga health personnel na nagmo-monitor ng kanilang kalagayan, bilangin na po natin rin ang mga hindi pa bakunado at dalhan ng bakuna,” dagdag niya.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Villanueva, siksikan umano sa mga evacuation site kaya’t mainam na mabakunahan na ang mga bakwit para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, lalo na ang Delta variant, doon.

“What we should avoid is a calamity on top of another calamity. Mahirap pong ma-double whammy ng COVID-19 at ng baha, lindol o pagputok ng bulkan.” (Dindo Mati­ning)

Leave A Reply

Your email address will not be published.