Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senadora binara ng mga baller

0 237

Pinagtulungan ng WNBA players ang isang team owner na nagsabing itigil na ng liga ang pagsuporta sa Black Lives Matter movement.

Sumulat kay WNBA commissioner Cathy Engelbert si Atlanta Dream co-owner at Sen. Kelly Loeffler para hilinging American flags ang ilagay sa warmup jerseys sa halip na ‘Black Lives Matter’ o ‘Say Her Name’.

Wala raw puwang ang politics sa sports.

“In a time when polarizing politics is as divisive as ever, sports has the power to be a unifying antidote,” ani Loeffler, via Atlanta Journa-Constitution. “And now more than ever, we should be united in our goal to remove politics from sports.”

Kinontra siya ng sariling team, naglabas ng statement ang Dream na pirmado ng 13 players para igiit ang suport sa Black Lives Matter.

Ilang current at former WNBA players ang nanawagan na sipain na si Loeffler bilang Dream co-owner. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.