Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga barangay na nasagip sa NPA bibisitahin ni Duterte

0 282

NAKATAKDANG bumisita ngayon, (March 18) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Region 8 upang mamahagi ng proyekto at kabuhayan sa mga barangay na malaya na mula sa pananakop ng CPP-NPA.

Bilang chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), pangungunahan ni Duterte ang pagsisimula ng Barangay Development Program (BDP) sa Region 8 kung saan ang bawat barangay na wala ng NPA ay makakakuha ng P20 milyong halaga ng proyekto.

Ayon kay NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., nararapat lamang mapasama ang Region 8 sa BDP dahil ito ay itinuturing na isa sa pinakamahirap na rehiyon.

Aabot sa 200 barangays sa Region 8 ang makakakuha ng BDP. Para sa taong ito, aabot sa P16.4 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa mga programa sa mga apektadong barangay.

Base sa tala ng National Economic Development Authority (NEDA), ang poverty rate sa Region 8 ay nasa 42.6 percent.

“This alarming double-digit poverty incidence is indicative of the dire economic situation experience in Region 8, especially in Samar. This historical data set illustrates the gravity of the situation in the region, particularly the World Bank estimates the national poverty rate in the Philippines to be at 19.8 percent in 2020,” ani Esperon.

At dahil dito, nais ng Pangulo ayon kay Esperon, na ipakita sa mga taga Visayas na seryoso itong sugpuin ang rebeldeng grupo at mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng Inopacan massacre sa Leyte.

“Region 8 has historically been one of the poorest regions in the Philippines. One of the major contributory factors to this is the destructive and counterproductive presence of the NPA,” dagdag pa ng opisyal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.