Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga barangay sa Ilocos benepisyaryo na ng BDP

0 33

Kasama na ngayon ang mga barangay sa Ilocos region na mabibigyan ng mga proyekto sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP).

Kaugnay nito, inulat din ni National Security Adviser at Vice Chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Hermogenes Esperon Jr. na umaabot na sa 99% ng BDP funds ang naibahagi na sa mga Provincial at City Governments sa buong bansa ngayong 2021.

Ang P16.24 bilyon mula sa kabuuang P16.44B pondo ng BDP ay nailabas na ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng residente mula sa barangay na nawala na sa impluwensiya ng New People’s Army (NPA).

“This process is the fruit of the Whole of Nation Approach aimed at ending the decades- long communist terrorism. We recognize that the root causes that draw vulnerable groups into the local communist armed conflict can be traced to poverty, hunger, lack of access to education and economic opportunities, inadequate healthcare and infrastructure, and injustice. Our goal at the NTF-ELCAC, through the BDP, is to address these fundamental factors,” sabi ni Esperon.

Sa panghuling groundbreaking ceremony ng BDP sa Ilocos region ay nagkaloob ang NTF-ELCAC ng tig-P20M sa 2 barangay ng Salcedo at Santo Domingo para patayuan ng farm-to-market road, school building, public toilet at tulong pinansiyal sa mga mahihirap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.