Abante Tonite Interactive

Mga baril, bala na nilibing ng NPA nahukay sa Surigao

231

Buking ang itinatagong mga armas ng grupong New People’s Army (NPA) nang
mabungkal ang mga ito sa Mt. Gacob, Sitio Magkahunaw, Barangay Buhisan, Surigao del Sur, Biyernes ng umaga.

Nadiskubre ang dalawang kalibre .30 rifle, dalawang M1 Garand, isang rifle grenade at mga bala ng iba’t ibang kalibre ng baril na matagal nang ibinaon ng NPA.

Sa tulong ng dalawang dating rebelde, natunton ang mga baril at bala na nakabaon sa lupa mula sa isinagawang joint police at military operation.
Nasa kustodiya ngayon ng 9th Special Forces Company ang mga narekober na armas. (Vick ­Aquino)