Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bata aarangkada vaccination sa Dec

0 40

Malaki ang posibilidad na masimulan nang mabakunahan ang mga bata nasa edad 12 pababa bago matapos ang buwan ng Disyembre.

Ito ang inihayag ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nagpasabi na ang Pfizer at Sinovac na naghahanda ng mga kinakailangang datos at requirements hinggil dito.

“I would think before the end of the year. I’m pretty sure Pfizer’s going to be ready and the Sinovac also told us that their data is being collated and will be submitted soon. So, I believe before the end of the year, we’re going to have vaccines for children below 12,” ani Domingo sa isang pulong balitaan. Inaasahan ni Domingo na maghahain na kaagad ang Pfizer ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccines para sa mga menor de edad na nasa apat hanggang 11-taong gulang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nagtanong na sila. They already asked for the list of requirements and they told us that they are completing the requirements. Mayroon lang kasi yatang difference kaunti doon sa formulation ng vaccine for children,” dagdag ni Domingo.

Kaugnay nito, kinukumpleto naman ng Sinovac ang kanilang datos sa bakuna para sa mga batang nagkakaedad ng below 18-years old na isusumite sa mga eksperto sa bakuna.

Base sa nakitang datos ng FDA nakapag-administer na ang pamahalaan ng Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines sa may 500,000 eligible minor. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.