Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bata i-checkup bago turukan vs virus

0 40

Sa pagbabakuna ng mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang laban sa COVID-19, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na dapat gamitin ang mga natutunan sa Dengvaxia.

Ayon kay Salceda, dapat higpitan ang screening sa mga bata upang matiyak na maaari silang mabakunahan laban sa COVID at dapat ay alam ng mga magulang kung ano ang kanilang pinipirmahan.

Sinabi ni Salceda na dapat ngayon pa lamang ay umiikot na ang mga barangay health worker para tanungin ang mga batang magpapabakuna sa kanilang lugar.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Salceda, sa Estados Unidos ang binabantayan sa pediatric vaccination ay ang mga allergy ng bata. Makabubuti aniya kung may mga pediatrician sa vaccination site.

Bumili na ang gobyerno ng 15 milyong dose ng Pfizer vaccine para sa mga edad 5-11. Inaasahan na darating ang mga ito sa huling linggo ng Enero at masisimulan ang bakunahan sa Pebrero. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.