Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bata itsapuwera pa sa virus bakuna

0 221

Ibinasura ng mga eksperto ang hirit ng ilang grupo na isama na sa priority list ng vaccination program kontra COVID-19 ang mga bata.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pumayag ang mga eksperto na isama na rin sa pagbakuna ang mga bata dahil baka makompromiso ang supply ng COVID vaccine para sa ibang mga grupo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang rekomendasyon po ng ating mga eksperto ay hindi muna bakunahan ang ating mga kabataan dahil ito po ay makakaapekto sa supply ng ibang priority groups gaya ng ating senior citizens,” ani Vergeire.

Bukod dito, sinabi ni Vergeire na mas malakas ang immune system ng mga bata kaysa mga may edad at matatanda kaya dapat unahin ang mga delikado ang kalusugan sa banta ng COVID. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.