Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bata namumurong higpitan sa mall

0 131

Nirerepaso ng mga mayor sa Metro Manila ang regulasyon sa pagpayag sa mga bata na mamasyal sa loob at labas ng mga mall ngayong nasa alert level 2 na ang rehiyon.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, kabilang sa nirerepaso ang age restriction sa mga batang papayagang makapasok sa mall.

Binigyang-diin ng kalihim na bagama’t bumaba na ang mga kaso ng COVID ay hindi pa talaga ganap na nagwakas ang pandemya at may kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na maglatag ng mga paghihigpit kapag kinakailangan.

Inihayag ito ng kalihim kasunod ng balitang isang batang lalaki na dalawang taongn gulang ang nagpositibo umano sa COVID ilang araw matapos na isamang mamasyal sa mall.

Ikinalungkot ni Año ang insidente at sinabing ito ang dahilan kung kaya’t dapat na sumunod pa rin ang mga tao sa public health protocol at pag-isipan din muna ng mga magulang bago dalhin sa mall ang kanilang mga anak. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.