Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bata ni Black atat nang bumuga

0 261

Hindi naiiba ang Meralco Bolts sa 11 teams pa sa PBA, gusto nang bumalik sa practice at kalaunan ay sa laro.

“But the pandemic is much bigger than, of course, basketball,” salag kahapon ni coach Norman Black. “It’s affecting all the citizens of the Philippines, not just the basketball players.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mula nang kanselahin ang PBA noong March 11 dahil sa coronavirus, bahay na lang din si Black at ang Bolts. Kailangan nilang habaan pa ang pasensiya.

“I think that we just have to be a little bit patient, we have to be smart. We have to follow the government’s lead and follow our leaders as far as when we can go back to work,” dagdag ng 11-time champion coach.

Napigil muli ang workout na ikinakasa na ng PBA nang ibalik sa MECQ ang Metro Manila at muling pinadlock ang practice facilities. Tatagal hanggang Aug. 18 ang modified enhanced community quarantine. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.