Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bata ni mayor beterano sa baklasan

0 91

Ibang klase rin ang kamandag na naiturok ng isang alkalde sa kanyang mga tauhan.

Sa sobrang tindi ng kanyang kamandag ay parang matik na ang mga tauhan nito sa pagtanggal ng poster ng makakalaban niya at ng kanyang asawa sa paparating na eleksyon.

Hindi rin naman maitatanggi na mga bata ng alkalde ang mga nagbabaklas ng poster ng kalaban dahil ang gamit nila ay ang sasakyan na may tatak ng munisipyo.

Ang siste, pumaparada ang sasakyan sa tapat ng poster. Mayroong bumababa at makalipas ang ilang saglit ay muling sasakay at aalis na sila. At pag-alis ng sasakyan ay parang magic na nawala na rin ang poster ng katunggali.

Hindi naman ginagalaw ng mga bata ng alkalde ang iba pang katabing poster at mukhang nakatuon lamang sila sa makakalaban sa Mayo.

Ang bayan kung saan namumuno ang alkalde ay nasa probinsya na malapit sa Kamaynilaan.

Clue: Ang pangalan ng alkalde ay mayroong letrang D as in Diskarte mo bulok.

Leave A Reply

Your email address will not be published.