Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bata, tinedyer `di prayoridad sa COVID bakuna

0 4

Hindi pa kasali sa listahan ng mga prayoridad sa COVID-19 vaccine rollout ang mga bata at tinedyer kahit pinapayagan na ang mga ito na mabakunahan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Maria Carmela Kasala, tagapagsalita ng Philippine Pediatric Society, na wala pa sa polisiya na isama na sa mga dapat mabakunahan ang mga kabataan.

Kahit mayroon na aniyang emergency use authority (EUA) sa bakuna para sa mga bata at tinedyer ay dapat pa ring sundin kung ano ang nasa prayoridad ng pamahalaan.

“The Philippine Pediatric Society and the Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines have both issued an statement na while we recognize and welcome the EUA for 12-15 years of age, susundan pa rin natin ang prayoridad na mauna muna ang mga nakatatanda bago natin pag-isipan iyang pagbabakuna sa mga kabataan,” ani Kasala.

Sinabi ni Kasala na mayroon ding mga kabataan na tinatamaan ng COVID-19 subalit hindi hindi malala katulad ng dinaranas ng mga matatanda na siyang madaling kapitan ng mabagsik na virus.

Kabilang sa mga bakunang pinapayagang gamitin sa mga kabataan ay Pfizer at Sinovac vaccine na ginagamit na sa sa ibang bansa.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.