Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bata turuan vs human trafficking

0 36

Muling isinulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng komprehensibong pagtuturo sa mga kabataan ukol sa iba’t ibang anyo ng human trafficking upang protektahan ang mga ito sa gitna ng lumalalang suliranin ng bansa sa online sexual exploitation ng mga bata.

Sa inihaing Senate Bill No. 735 o Human Trafficking Preventive Education Program Act, layon nito na paigtingin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa mga panganib ng human trafficking, kabilang ang prostitusyon at pornographiya.

Nais ng senador na ipatupad ang pagtuturo nito sa mga junior at senior high school, mga nasa kolehiyo, mga technical o vocational education program, at ipatupad din ang programang ito sa mga barangay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.