Abante Tonite Interactive

Mga bataan ni Go papalag

By
105

Pantayan, ‘di man malampasan ang dalawang bronze medal sa unang edisyon noong 2016 sa China, ang sigaw ng bansa sa muling pagsagwan sa 2nd World Ice Dragonboat Championships sa Ottawa, Canada sa Pebrero 2019.

Sumegundo ang national paddlers sa 100 at 200 meters shortboard sprints sa inagurasyon ng taunang patimpalak nitong Enero sa Duolun-Xilingol, China, dinomina ng Hungary ang karera sa ilalim ng yelo na may -20 degrees below 0.

Tiwala si Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation president Jonne Go, na makaka-jamporms ulit ang Team PHL dahil sa eksposyur at eksperyensya sa nang paglaot sa taong ito China WIDBC sa kabila na may 128 teams na ang nagkumpirma sa pagsali sa 2019 event.