Abante Tonite Interactive

Mga bataan ni Tan tatayo vs Adamson

0 237

STANDINGS

TEAMS W L

UST 2 0

ADMU 2 0

UP 1 1

ADU 1 1

FEU 1 1

NU 0 1

DLSU 0 1

UE 0 2

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

10:30 am – AdMU vs UST

12:30 pm – DLSU vs NU

4:00 pm – AdU vs UE

Aarangkadang muli si Lenda Douanga at Adamson Soaring Falcons pagharap kontra University of the East Red Warriors sa 82nd UAAP seniors basketball tournament first round elims ngayong alas-4:00 nang hapon sa Araneta Coliseum.

Sinalba ng buzzer-beating trey sa overtime ni Douanga ang AdU kontra NU Bulldogs nitong Sabado, 84-83, tungo sa 1-1 win-loss slate at makahanay sa triple-tie sa third spot.

Tumapos siyang may 26 points, 19 rebounds at 1 block, katuwang si Simon Camacho na may 14 pts., 11 rebs., tig-1 asst. at blk. at Val Chauca na nagtala ng 13 markers, 4 boards at 1 feed.

“Looking at their present roster, they’ve got rookies who are really veterans already. They have a very good import. I think he’s a good matchup for Lenda. We just have to start making sure that that chemistry is there,” komento ni San Marcelino-based squad coach Franz Pumaren ukol sa UE.

Sa kabilang banda, desididong makabangon na ang nalugmok naman sa ilalim ng 8-team cagefest ang mga bata ni coach Lucio ‘Bong’ Tan, Jr. (0-2) tapos ng 81-65 loss sa FEU Tamaraws nitong Linggo.

Kapos ang 21 pts., 15 rebs., 5 blocks at tig-1 ast. at stl. ni Alex Diakhite, maging ang 17 pts., 10 rebs., at 1 ast. ni Rey Suerte para makabangon ang team.

Toka ring sumalang ang co-leader Sto. Tomas Growling Tigers (2-0) at Ateneo Blue Eagles (2-0) sa alas-10:30 nang umaga, at ang mga babawi sa masaklap na opening losers La Salle Green Archers (0-1) at NU Bulldogs (0-1). (Janiel Abby Toralba)