Abante Tonite Interactive

Mga batang bakwit bigyan ng espesyal na atensyon

309

Nanawagan ang isang mambabatas sa mga ­awtoridad na tiyaking mabibigyan ng ­espesyal na pangangalaga at atensyon ang mga batang ­apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Tingog party-list Rep. Yedda ­Romualdez, chairperson ng House committee on the welfare of children, dapat sumunod ang mga opisyal ng ­gobyerno sa mga probisyon ng Republic Act No. 10821 o Children’s Emergency Relief and Protection Act para matugunan ang mga pangangailangan ng kabataang sinalanta ng bulkan.

Aniya, nakasaad sa nasabing batas ang mga ­panuntunan para mapangalagaan ang ­kabataan sa mga lugar na mayroong kalamidad.

Kabilang dito ang pagtatayo ng mga ­pansamantalang tirahan na mayroong maayos na palikuran, paliguan, at iba pang pasilidad para sa kabataan. (JC Cahinhinan)