Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga batang ina sasaklolohan

0 109

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order para gawing national priority ang pagtugon sa dumaraming bilang ng mga batang ina sa Pilipinas.

Sa kanyang nilagdaang EO 141, binanggit ng Pangulo ang datos mula sa Civil Registration and Vital Statistics System ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan ay umabot na diumano sa kabuuang 183,967 live birth o 504 live birth kada araw ang naitala sa hanay ng mga kabataang babae na edad 10 hanggang 19 na taong gulang noong 2018 at nakapagtala naman ng 180,916 (495 live birth kada araw) noong 2019.

Inatasan lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na tukuyin at ipatupad ang mga praktikal na hakbang para mapigilan ang pagbubuntis ng mga kabataang babae katulad ng pagtuturo hinggil sa sexual education at pagkakaloob ng oportunidad sa trabaho gayundin ang health promotion. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.