Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga batang sapol ng HIV, TB una sa COVID bakuna

0 62

Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang mga batang edad 12 hanggang 17 na nagtataglay ng alinman sa 11 kondisyon o comorbidity na kanilang tinukoy ang uunahing bakunahan laban sa COVID para sa mga menor de edad.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas ang Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines ng listahan ng 11 kondisyon o comorbidity at kabilang dito ang mga sumusunod:

*medical complexity
*genetic conditions
*neurologic conditions
*Metabolic / endocrine conditions
*cardiovascular disease
*obesity
*HIV infection
*tuberculosis
*chronic respiratory disease
*renal disorders
*hepatobiliary

SM food to go Banner Ad

Sa mga ospital umano gagawin ang pagbakuna subalit hindi magbabago ang proseso para sa registration. Kailangan iparehistro pa ng mga magulang ang kanilang anak sa mga local na pamahalaan.

“Kailangan may clearance ng doctor ang mga kabataan na babakunahan with comorbidities. Kailangan may informed consent at assent. Ibig sabihin ang kanilang magulang ay kailangan magbigay ng consent, pipirma sila sa dokumento at `yong bata ay may assent para rito,” ayon kay Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.