Abante Tonite Interactive

Mga batas kontra droga talasan pa — Guevarra

134

Naniniwala si Department of Justice­ (DOJ) Secretary ­Menardo Guevarra na kinakailangang magkaroon ng mas matalas na batas para tuluyang masugpo ang iligal na droga sa bansa.

Kung kaya iginiit ni Guevarra sa kanyang talumpati sa National­ Summit on Dangerous Drugs na ginanap sa Manila Hotel, na mu­ling pag-aralan ang mga batas hinggil sa mga iligal na droga, maging ang paghawak ng mga kasong may kinalaman dito para maiwasan ang recycling at iba pang pang-aabuso.

Ani Guevarra, dapat ding mapabuti ang mga batas at panuntunan sa mga kasong may kina­laman sa droga upang mapigilan ang mga tinatawag na ‘ninja cops’.
Dapat din aniyang kilatising mabuti ang iba pang batas na hinihinalang nakakaapekto para humina ang pagsusumikap ng awtoridad na masolusyunan ang pagbebenta at ma­lawakang distribusyon ng droga sa mga komunidad.

Kabilang dito ang Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, na ine-exempt ang kabataang nasa edad 15-an­yos pababa sa pananagutan kapag nasangkot sa krimen.

Dahil dito, ipinahayag ni Guevarra ang kanyang pagsuporta sa mga panukala na ibaba ang edad ng criminal responsibility na may kalakip namang intervention. (Lorraine Gamo)