Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bawal na paputok inisa-isa ng DILG

0 254

Inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, ang mga mahigpit na ipinagbabawal ay ang Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star, Pla-Pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, Atomic Triangle, Large-size Judas Belt, Goodbye Delima, Hello Columbia, Goodbye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets, Kwiton, Super Lolo, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Bin Laden, Coke-in-can, Pillbox, Boga, Kabasi, at iba pang mga kaparehong firecrackers.

SM food to go Banner Ad

Pinapayagan naman ang mga ‘pailaw’ gaya ng Butterfly, Fountain, Jumbo Regular at Special, Luces, Mabuhay, Roman Candle, Sparklers, Trompillo, Whistle Device at iba pang uri ng mga pailaw.

Aniya, bukod sa aksidente na maaaring idulot ng paggamit ng paputok ay may nakaamba rin aniyang kaparusahan sa sinumang mahuhuling lalabag dito, ito ay base sa inisyu ng DILG na MC 2017-105 na suplemento ng MC 2017-168 para sa implementasyon ng EO No. 28. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.