Abante Tonite Interactive

Mga bawal sa Manila North Cemetery ipinalabas na

By
140

Nagpalabas na ang pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) ng mga gabay para sa mga bibisita sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.

Nabatid na ang paglilinis at pagpi­pintura ng mga puntod ay papayagan lamang hanggang sa Oktubre 29, pero hindi pahihintulutan ang pagsusunog ng basura sa sementeryo.

Nabatid na ang paglilibing at pagpapasok ng sasakyan sa loob ng sementeryo ay hindi rin muna pahihintulutan mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2.

Habang sa Nobyembre 1 naman, ang Gate 2 at 3 ng sementeryo sa A. Bonifacio Avenue ay bubuksan simula alas-10:00 nang umaga pero maaari lamang itong gamitin ng mga taong papalabas ng sementeryo.