Abante Tonite Interactive

Mga benepisyo ng BROCOLLI sa katawan

873

Ang broccoli ay isang malusog na berdeng gulay na may mataas sa bitamina, mineral at fiber ngunit mababa sa ca-lories.

Maraming mga tao ang may gusto ng broccoli dahil sa taglay nitong sustansiya at maraming mga benepisyo sa kalusugan.

Ang broccoli ay mabuti at napapanatiling malusog ang mga vital organs gaya ng puso, atay, at iba pa.

Maari itong k­ainin ng sariwa, puwedeng lutuin at maa-ring gawing juice.

Upang ma-panatili ang sustansiya ng naturang gulay, huwag lutuin ng matagal.

Ilan sa sustansiyang ibinibigay ng broccoli ay mababang-calories, protina, fiber, carbs, vitamins na napakahusay sa pangkalahatang kalusugan.

Ang broccoli ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang dahil ang isang serving ng hilaw o steamed broccoli (148 gramo) ay naglalaman ng 52 calories. Ang isang tasa ng tinadtad na broccoli (91 g) ay naglalaman ng 2.6 gramo ng protina (5% RDI).

Ang isang buong ulo ng broccoli ay naglalaman ng 207 calories, 15 gramo ng fiber, ay maaring makuha ang pang-araw-araw na kinakailangan na bitamina at mineral.

Ang 100 gramo ng broccoli ay naglalaman ng 89 mg ng Vitamin C na 149% ng recommended daily intake (RDI). Ang parehong ser-ving ng broccoli ay nagbibigay din ng 102 mcg ng vitamin K na 127% ng kinakailangan araw araw.
Ang isang tasa ng tinadtad na broccoli ay naglalaman ng 567 IU vitamin A (11% RDI), 0.7 mg Vitamin E (4% RDI), at marami sa B-group na bitamina.

Ang regular na pagkain ng broccoli ay mabuti para sa pagpapanatili ng malusog na buto at makakatulong upang maiwasan ang hypertension dahil sa taglay nitong mineral.

Ang naturang gulay ay nagtataglay ng karamihan sa mga mahalagang mineral na kaila-ngan araw-araw. (Mina Aquino)

Ang 148 gramo ng broccoli ay nagbibigay ng 0.3 mg mangganese (16% RDI), 98 mg phosphorus (10% RDI), 468 mg potassiuum (13% RDI), 70 mg calcium (7% RDI) 6% RDI). Mayroon din itong ibang taglay na mineral gaya ng copper, sinc, at selenium.

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang pagkain ng broccoli ay mabuti para sa immune system at kalusugan ay dahil puno ito ng antioxidant.
Ang nutritional content ng broccoli na may mataas na antas na vitamin C at K, pati na rin ang potassium at magnesium, ay nagpapakita ng potensyal na antioxidant nito.

Gayundin, isa ring magandang pinagkukunan ito ng malakas na antioxidant enzymes na tumutulong sa pagbabawas ng pamamaga at makakapagbigay proteksiyon laban sa kanser. (Mina Aquino)