Abante Tonite Interactive

Mga best moment, game ni LeBron isasa-film o IG

317

Balak ni LeBron James na himayin ang kanyang best moments at games para ibahagi sa kanyang fans.

Pinag-iisipan ng The King kung sa Instagram Live niya ito gagawin, o kung itatabi muna para sa susunod na lang.

Pinapatakam ni LeBron ang basketball fans na diyeta sa panonood dahil walang live action. Sinuspinde ang 74th NBA season dahil sa coronavirus.

“Thinking about maybe sitting down and breaking down some of my most memorable games and moments in my career,” tweet ni James. “Maybe IG live it or just film it and hold on to it for another time.”

Papunta ng Hall of Fame ang career ni James, sa loob ng 17 years ay walang dudang napakaraming memorable moments na naipon.

Mula noong teenager pa siya sa Cleveland Cavaliers, hanggang ibaba ang ‘The Decision’ noong 2010 para lumipat sa Miami.

Tatlo sila nina Dwyane Wade at Chris Bosh nag naghatid sa Heat sa back-to-back championship noong 2012-13, hanggang bumalik muli ng Cleveland noong 2014.

Siyempre, kasunod ang championship run ng Cavs noong 2016 nang talunin sa finals ang 73-9 Golden State Warriors.

Paglipat niya sa Los Angeles noong 2018, may big moments din kahit napagsarhan sa playoffs ang Lakers.

Bago sinuspinde ang 2019-20 season, nangunguna sa Western Conference ang Lakers sa 49-14, pabalik na sa playoffs.

Puno rin ng highlights ang season ni LeBron, nag-average ng 25.7 points, 7.9 rebounds at 10.6 assists. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad