Abante Tonite Interactive

Mga BI official babalatan sa ‘pastillas’ scheme

320

Masayado umanong garapal ang mga Bureau of Immigration (BI) personnel na nasa likod ng ‘pastillas’ money-making scheme.

Ito ang sinabi ni Senadora Risa Hontiveros bilang reaksiyon matapos sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal at kawani ng BI na dawit sa naturang anomalya.

“Sobrang garapalan na ang pastillas scheme. I want to emphasize: This is bigger than the frontline employees,” pahayag ni Hontiveros kahapon.

Ayon kay Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, nararapat na linisin ang hanay ng BI at huwag nang i-recycle ang mga korap at gahamang mga opisyal ng nasabing ahensya.

“We need to clean up the BI, at dapat simula ito sa mga malalaking taong sangkot dito, at siguraduhing hindi nire-recycle ang mga korap at gahamang opis­yal,” sabi ni Hontiveros na nanguna sa pag-imbestiga sa ‘pastillas’ modus. (Dindo Matining)