Abante Tonite Interactive

Mga big time drug lord sa Bilibid itapon sa WPS

501

Isinulong ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilipat ng bilangguan sa West Philippine Sea (WPS) ang mga convicted high profile drug personality para matigil na ang mga iligal na gawain sa loob ng New Bilibid Pri­son (NBP).

Sabi ni ACT-CIS Party-list Rep. Niña Taduran, maraming maliliit na isla sa West Philippine Sea malapit sa Pag-asa Island na puwedeng paglipatan sa mga convicted drug lord.

Ayon sa mambabatas, ang pinakasimpleng solusyon para matigil ang mga iliga sa loob ng NBP ay ikulong ang mga ito sa isang lugar na walang cellphone signal, walang masusuhulang jail guard at walang matatakbuhan para tumakas.

Bukod aniya sa makakatulong ito para malunasan na ang mga problemang bumabalot sa NBP, malaki rin ang maitutulong ng mga ito para maokupa ng pamahalaan, sa pamamagitan ng mga preso, ang mga islang inaangkin ng bansa sa WPS. (JC Cahinhinan)