Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga binabahang bakuna center ililipat

0 127

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na pansamantalang ire-relocate ang mga COVID-19 vaccination site na binabaha kasunod na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Malaya, agad nilang aaksiyonan ang kautusan ng Pangulo at tatalakayin kasama sina Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr.

Aalamin umano nila ang mga lugar kung saan ligtas na makapagbabakuna kahit pa may mga malalakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat na nakakaapekto sa ilang bahagi ng bansa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.