Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga biniling COVD bakuna dapat din imbestigahan

0 73

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa pagbili ng medical supplies ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng procurement service ng Department of Budget and Management (DBM).

Maraming natutuklasan ang mga Senator sa mga maling proseso at paghawak ng pondo gayundin ang kaduda duda sa presyo at paggawad ng supply contract sa Pharmally Pharmaceutical Corporation ng dating Presidential adviser Michael Yang at malapit na kaibigan ni Pangulo Rodrigo Roa Duterte.

May natuklasan na rin si Senator Ping Lacson na may nangyaring overpriced sa pagbili ng DOH ang ambulansiya na pinatungan umano ng P1 million kada unit.

Kaugnay nito, dapat ay isama na sa imbestigasyon ang pagbili ng gobyerno ng mga COVID vaccine sa ibat ibang manufacturer .

Hindi natin sinasabing may katiwalian sa pagbili ng bakuna subalit kailangan lang tiyakin na ang pondo mula sa tax payers ay nagastos ng tama.

Mahalagang malaman ng sambayanang Pilipino kung tama ang presyo ng COVID vaccine dahil ang bulto ng pondo ay inutang ng gobyerno na babayaran ng mga Pilipino.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi na dapat pang ilihim kung magkano ang presyo ng bawat bakuna sa bawat brand

upang matiyak kung walang katiwalian dito.

Dapat ay kuwentahin ding mabuti kung ilang doses ng covid vaccine ang donasyong ibinigay ng China at sa Covax facility mula sa mayayamang bansa na nag ambagan dito.

Bukod sa presyo ng COVID vaccine ay mahalagang alamin din kung bakit patuloy ang pagbili ng Pilipinas sa Sinovac vaccine na napaulat na lalong bumaba ang efficacy o bisa nito ng lumabas ang delta variant.

Sana naman ay may managot sa mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nagsamantala at nakinabang sa katiwalian sa nasabing transaksiyon mula sa pondo ng taumbayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.