Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Bisita sa Hatinggabi

0 197

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo, nakaranas na ba kayong bisitahin ng mga multo sa hatinggabi? Yan ang paksa natin ngayon. “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hindi na bago kay Jonas na makakita ng mga ispiritu at multo matapos na madiskubre niya ang abilidad Ilang taon na ang lumipas.

Pero kamakailan lang nagulat siya ng nagkasunud-sunod ang nakita niyang sumulpot na mga multo sa kanyang inuupahang silid.

Misteryo: “Anong hitsura ng mga nakita mong multo? Natakot ka ba?”

Jonas: “Hindi na ako masyado takot ngayon pero may time lang kasi nagugulat talaga ako pag sumusulpot sila. Hindi ko maaninag mga hitsura nila pero pawang itim na usok at puti ang nakikita ko.”

Misteryo; “Hindi ka ba nakikipag-communicate sa kanila? Baka kasi kailangan nila ng tulong mo. Baka hindi sila makaakyat sa langit. Nagdasal ka ba?

Jonas: “Hindi naman talaga ako nakikipag-usap sa kanila kasi delikado di ba may paniniwala na kapag nakipag-communicate ka sa mga multo baka mapahamak ka? Kaya Hindi ko ginagawa yun. Oo nagdarasal ako.”

Related Posts

Misteryo: “Pero sa palagay mo bakit dami mo nakikita pag hatinggabi parang meeting place ang lugar mo ng mga multo.”

Jonas: “Mukha ngang ganun pero may sumasagi sa isip ko na kailangan ko magdasal kapag nakikita ko sila. Baka yun nga ang gusto nila kaya nagdarasal ako.”

Misteryo: “Kapag nagdarasal ka ba nawawala sila? Sa palagay mo ba may kinalaman ito sa pandemya dahil sa dami na mga namatay?”

Jonas: “Mukhang yun nga ang dahilan sa dami na rin ng mga namatay marami sa mga kaluluwa ang hindi makaakyat sa langit. At yes tama ka, kapag nagdasal ako nawawala sila at gumagaan pakiramdam ko.”

Misteryo: “Mabuti kung ganun at mabuti rin Hindi ka nila sinasaktan. Alam mo naman kahit kaluluwa na mga yan pwede pa rin silang manakit ng mga buhay.”

Jonas: “Oo nga di ba ganyan ang poltergeist o angry ghost? Pero may time naririnig ko mga ingay nila o di kaya mga kalabit nila. Pero ok lang sanay na rin ako.”

Oo nga tama si Jonas, kapag sensitibo ka sa enerhiya, mararamdaman mo din mga kalabit nila at maririnig mo mga ingay nila. Basta wag lang matakot, magdasal para sa kanilang katahimikan.

Para sa inyong kuwentong karanasan ng kababalaghan at misteryo, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.