Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga biyahero, bonggang haybol yari sa BIR

0 79

Gustong silipin ni incoming Bureau of Internal Revenue (BIR) chief Lilia Guillermo ang tax record ng mga indibidwal na marangya ang pamumuhay.

Ayon kay Guillermo, hindi lamang ang mga nasa BIR ang dapat na nila-lifestyle check kundi sana ay maging ang “mga citizens din na makikita natin ostentatious display of wealth.”

“(Sa) mga nakikita mo na ang kotse nila eh…. frequent travels although sa COVID time walang frequent travels, ang lalaki ng bahay and yet pagka nakita mo kung sino sila and try to match sa aming files they did not even file their returns… parang `di ba duda ka. How come you have these properties, pa-explain lang naman natin,” sabi ni Guillermo.

Kasabay nito, sinabi ni Guillermo na isang task force ang kanyang itatatag upang tingnan ang mga datos ng mga social media influencer. Bubuuin aniya ang task force ng mga data scientist.

SM food to go Banner Ad

“Alam mo meron tayong tinatawag na big data…big data `yan and big data tools are already available. Susuyurin namin, we can analyze structured data na nalalabas sa social media. Nakikita n’yo naman `di ba? Maraming followers means nagkaka-income sila d’yan. Online sales magparehistro lang sila sa BIR, mag-issue ng receipt we will be able to monitor them,” sabi ni Guillermo.

Iginiit ni Guillermo na hindi bago ang pagbubuwis sa mga social media influencer.

“Sabi ko nga no new taxes, itong sa online hindi naman new taxes `yan eh if you earn income you will have to pay taxes,” punto nito.

Eksperto si Guillermo sa information technology. Siya ang kasalukuyang hepe ng Technology and Digital Innovation Office ng Bangko Sentral ng Pilipinas at in-charge sa IT Modernization Roadmap nito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.