Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga biyahero galing Pakistan, 3 pang bansa bawal sa PH

0 332

Hindi muna puwedeng pumasok sa Pilipinas ang mga biyaherong galing Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh, at maging ang mga indibidwal na may travel history sa mga nabanggit na bansa sa nakalipas na 14 na araw.

Magiging epektibo ang travel ban simula sa Mayo 7 hanggang Mayo 14, 2021 batay sa inilabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

SM food to go Banner Ad

Layon ng travel ban na mapigilang makapasok sa bansa ang double mutant variant ng COVID-19 na unang naitala sa India.

Para sa mga pasaherong “in transit” mula sa mga nabanggit na bansa o yaong nakarating na sa Pilipinas bago sumapit ang Mayo 7 ay makakapasok pa rin subalit kinakailangang sumailalim sa mas mahigpit na quarantine at COVID-test protocol katulad ng 14 na araw ng quarantine kahit pa negatibo sa RT-PCR test. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.