Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga boss handa na magbigay ng umento – survey

0 82

Balak umano ng mga employer sa bansa na magbigay na ng umento sa kanilang mga tauhan pagkatapos malagpasan ang hamon ng 2020.

Ayon sa Salary Budget Planning Survey report ng Willis Towers Watson, isang global advisory company, 82% ng mga kompanya ngayon ay nagsasagawa ng salary review. Mula umano sa 28% noong 2020, may

Batay pa rito, 5.6% ang average na increase ang tinitingnan ng mga kompanya sa survey, mas mataas ng bahagya sa 5.5% na average umentong ibinigay noong 2020, ito umano ang pinakamababang umentong ibinigay ng mga employer sa bansa sa higit isang dekada, ayon sa advisory company.

SM food to go Banner Ad

Ginawa ng Willis Towers Watson ang survey mula October hanggang November 2020 sa 130 bansa. Sa Pilipinas, 233 na mga kompanya ang sumali sa survey.

Matapos ang madaming hamon ng 2020 tulad ng lockdown, safety issue, work from home, at mas kaunting kita, nakapaga-adjust na ang mga employer at napatatakbo na umano nang mas maganda ang kanilang mga negosyo sa kabila ng mga hamon.

“Many employers are finding ways to handle the crisis better, manage their businesses and help their employees with a more focused work and reward strategy,” sabi ni Willis Towers Watson head of talent and rewards Philippines Patrick Marquina. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.