Abante Tonite Interactive

Mga broker umalma sa pagpapalayas sa BOC

232

Umalma ang mga broker sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga broker sa Bureau of Customs (BOC).

“It is unfair because the President had singled us out. There are corruptions in the government, there are corruption in BIR, would he also do away with the CPAs? In PhilHealth, do they do away with practicing medical practitioners?” litanya ni Adones Carmona, presidente ng Chamber of Customs Brokers.

Binanggit ni Carmona na ilang libong broker at kanilang pamilya ang maaapektuhan kapag pinatupad ang kautusan ng Pangulo.