Abante Tonite Interactive

Mga broker wawalisin ni Duterte sa Customs

0 245

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang mga broker sa Bureau of Customs (BuCor) para mabawasan ang korapsyon sa ahensiya.

Sinabi ng Pangulo na kapag mayroong mga broker ay aasa­han ang korapsyon kaya kapag tinanggal ang mga ito ay mababawasan ang katiwalian.

Imumungkahi umano ito ng Pangulo at bawat kompanyang may transaksiyon sa BOC ay magpadala na lamang ng accre­ditation at sila na mismo ang magtatrabaho para sa paglabas ng kanilang kargamento.

“Itong sa Customs, ang gusto ko wala ng brokers, may corruption talaga ‘yan. Take away the brokers and you would have cut corruption overnight. In a scale of 1-10, maybe you have reduced corruption about 8- 8 and one half,” sabi ng Pangulo.

Para naman sa Bureau of Internal Revenue, sinabi ng Pangulo na nais niyang ipatupad ang gross taxation para mawala na ang kickback ng mga examiner sa mga binabayarang buwis.

“Sa BIR, gross. ‘Pag gross, wala na. ‘Yang mga exami­ner, wala ng trabaho ‘yan. Diyan na magkatalo kung magkano ang utang mo mag-abot ng…kung gross wala na, ‘yan na lang ang bayaran mo,” sabi pa ng Pangulo. (Aileen Tali­ping/Prince Golez)