Abante Tonite Interactive

Mga bulok na bus sa EDSA walisin na

0 158

Ang dami-daming solusyong inilalatag ng gobyerno para matuldukan ang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila partikular sa EDSA pero mukhang hindi epektibo.

Sa katunayan ­palala na nang palala ang daloy ng trapiko lalo na ngayong ­nalalapit na naman ang holiday season.

Sa sandamakmak na mga bagong polisiyang ipinatupad nakapagtatakang bakit hanggang ngayon ay hindi pa ipinatutupad ang pagwalis sa mga bulok na pampasaherong mga bus na nakakadagdag lalo sa trapiko.

Sa ating obserbasyon sa tuwing dumadaan tayo sa EDSA napakaraming mga pumapasadang mga bus. May mga bago at may mga luma at sa sobrang dami nila ay marami ang mangilan-ngilan lang ang pasahero.

Kaya kung talagang gusto ninyong mapaluwag ang EDSA bakit hindi seryosohin ang pagtanggal sa mga bulok na bus na walang pakialam sa pagbuga ng usok dala ng kalumaan.

Malaking tulong ang magagawa ng pagwalis sa mga ­bulok na bus sa pro­blema natin sa trapiko.

Huwag niyo nang isipin ang perang ipinapasok sa gobyerno ng mga bus na ito sa pamamagitan ng ibi­nabayad nilang buwis dahil mas mala­king perwisyo ang ­hatid nila sa mga commuter at motorista.

Sana lang ay maipa­tupad na sa lalong madaling panahon ang pagtanggal sa mga bus sa EDSA.

Kaugnay pa rin sa bus, mukhang nigas kugon ang hindi pagpapadaan sa mga provincial bus sa EDSA dahil napakarami pa rin nilang nakiki­pagsabayan sa mga bus ba bumibiyahe sa EDSA.

Ano na ang nangyari sa mga ­naunang anunsyo ng mga kinauukulang ­ahensya na ibawal na sa EDSA ang mga ­provincial bus?

Attachments area