Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga bumalandrang sasakyan hinatak

0 98

Muling sinalakay ng MMDA ang NIA Road sa Quezon City dahil sa mga sagabal sa kalsada.

Kamakailan lang ay nagsagawa ng clearing operation ang MMDA sa lugar pero muling nagsibalikan

SM SuperKidsDay Banner Ad

ang mga nakaparadang tricycle at mga sasakyan sa gilid ng kalsada.

Dahil dito, ilang sasakyan sa harapan ng tanggapan ng PDEA NIA Road ang hinatak ng MMDA bukod sa tricycle at mga kariton sa lugar.

Nakasagutan din ng MMDA clearing operations team ang ilang residente dahil sa pakiusap na huwag harangan ang mga bangketa dahil ito ang karaniwang nagiging sanhi ng trapiko. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.