Abante Tonite Interactive

Mga Caintaeño inayudahan ng Rain or Shine

537

Nagpaabot ang Rain or Shine Elasto Painters ng tulong para sa mga residente ng Cainta na apektado ng enhanced community quarantine bunga ng coronavirus disease.

Labing-apat na sako ng bigas ang ipinarating ng Painters.

Si Mike Nieto na ang nag-deliver ng donasyon kay Mayor Kit Nieto.

“Maraming maraming salamat sa aking Rain or Shine Elasto Painters family sa pag-donate ng 14 na sako ng bigas para sa mga taga-Cainta,” post ni Nieto sa social media.

Fifth pick ng Rain or Shine si Nieto sa Special Gilas Draft noong December.

“Tulong tulong lang po tayo at makakaraos din po tayo,” dagdag ng dating manlalaro ng Ateneo. “Ipapadala na po lahat ito kay Mayor Johnielle Kieth Pasion Nieto ngayon.”

Hindi pa nakakapaglaro sa 45th season ng PBA ang E-Painters.

Kinansela ang Philippine Cup noong March 11, pangalawang game date pa lang sana ng season na nagbukas ng March 8. Hindi pa sigurado kung kailang magpapatuloy ang mga laro. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad