Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga call center worker prayoridad turukan

0 215

Opisyal nang isinama ang mga nagtratrabaho sa call center at business process outsourcing sa mga uunahing bigyan ng bakuna laban sa coronavirus.

Sabi ng Department of Trade and Industry, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagsama ng mga nagtatrabaho sa call center at BPO sa A4 priority group, kasama ang iba pang frontline worker sa mga essential sector gaya ng mga nagtatrabaho sa palengke, mga pulis, at mga sundalo.

Ayon kay DTI secretary Ramon Lopez, nasa 1.32 milyong katao ang nagtatrabaho sa BPO at call center, at may apat na milyon naman ang indirectly employed ng mga ito.

Mauunahan ng A4 ang iba pang priority sa bakuna, tulad ng mga mahihirap, mga guro at mga social worker. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.