Abante Tonite Interactive

Mga campaign poster, tarpaulin pinababaklas ng Comelec

By
218

Muling nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng mga kandidato at sa kanilang mga tagasuporta na baklasin ang mga campaign material nila dahil maituturing na iligal ito kapag nagsimula na ang panahon ng kampanya sa Pebrero 12.

Ayon kay Comelec spokesperson Jamez Jimenez, bubuhayin nila ang “Operation Baklas” para alisin ang mga illegal poster at tarpaulin.

“We will be talking to the DPWH (Department of Public Works and Highways) and MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) in the coming days regarding Operation Baklas,” pahayag ni Jimenez sa ginanap na media briefing bago sinimulan ang pag-iimprenta ng mga official ballot para sa May 13 midterm elections, kahapon.

Magpapadala umano sila ng sulat sa mga kandidato at political group para hilingin sa mga ito na baklasin ang mga inilagay nilang campaign materials.

“We don’t expect them to reply to us written but we do expect to see compliance by February 12,” ani Jimenez.
Babala pa ni ­Jimenez na mana­nagot sa batas ang mga pasaway na kandidato o political group kapag hindi sumunod sa mga regulasyon ng Comelec para sa darating na eleksyon.

“If they say that they were not the ones who posted the tarpaulin – it doesn’t matter because if they knew that the materials are in violation of the election law and they just ignored it, did not do something about it and since they bene­fitted from the said material, they will be held responsible. So (they) might as well put these posters down,” ayon pa kay Jimenez.