Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Cebuano sinermunan ni Duterte sa tigas ng ulo

0 447

Muling nakatikim ng sermon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan ng Cebu City dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases sa lungsod.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Martes ng gabi, muling inihayag ng Pangulo ang pagiging matigas ng ulo ng mga taga-Cebu City kaya mabilis ang pagtaas ng kontaminasyon ng COVID-19.

Nakikita aniya nito sa telebisyon ang sitwasyon sa lungsod kung saan marami pa rin ang gumagala sa kabila ng mahigpit na enhanced community quarantine.

“Prangkahan ko kayo, if you get mad at me, I will get mad at you too. Do not f*** with me because nanonood ako ng government stations,” anang Pangulo.

Tinukoy ng Pangulo ang video footage sa Talisay City na mistulang palengke at mayroong nag-iinuman at nagsusugal.

Binigyang-diin ng Presidente na hindi sinunod ng taga-Cebu City ang mga polisiya kaya ang lungsod na ng hotspot ng COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.