Abante Tonite Interactive

Mga celebrity na tinamaan ng coronavirus

2,234

Positibo sa coronavirus ang actress na si Iza Calzado na kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan. Tulad ng mga papuri ni Iza sa mga taong nasa frontline (medical pracitioners, nurses and other health workers), saludo rin kami sa ipinapakitang tapang ng aktres na labanan ang virus na dumapo sa kanya.

Ito’y magsisilbi ring babala sa mga tao na huwag itong balewalain .Walang pinilipiling edad at katayuan sa buhay ang mabibingit sa kamatayan sa sakit na ito. Hindi rin natin alam kung kailan ito tuluyang mapupuksa.

Patuloy po nating ipagdasal ang agarang paggaling ng mga tinamaan ng COVID-19. Tayo’y magpasalamat sa Diyos na ligtas sa loob ng ating mga pamamahay kahit marami sa atin ay wala nang makain.

Labing-isa na sa ating mga Filipino doctors ang isinuong ang mga buhay para lamang gampanan ang kanilang mga tungkulin .

May mga kababayan din tayong binawian ng buhay kasama ang isang veteran actor, fashion designer, band member .

Dumadami na ang mga kilalang personalidad sa iba’t ibang bansa who were tested positive ng COVID-19. Nariyan si Prince Charles, Prince Albert of Monaco, ang U.K. Prime Minister na si Boris Johnson, ang actress na sina Debi Mazar, Indira Varma, Indira Varma, Rachel Matthews, Olga Kurylenko at Itziar Ituno. Andy Cohen, Colton Underwood, Sean Payton (head coach ng NFL’s New Orleans Saints, ang NBA player na si Marcus Smart, ang actor na sina Daniel Dae Kim, Kristofer Hivju, ang singer na si Charlotte Lawrence, ang soccer player na si Callum Hudson, ang Utah Jazz team players na sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell, ang wife ng Canadian Prime Minister na si Sophie Gregoire Trudeau, , ang mag-asawang actors na sina Tom Hanks at Rita Wilson, ang British actor na si Idris Elba at ang kanyang wife na si Sabrina Dhowre at iba pa.

Lahat po sana tayo ay maging responsible sa ating mga sarili, sa ating mga mahal sa buhay maging sa ating kapwa. Huwag maging pasaway at maging karagdagan sa problema na ating kinakaharap ngayon.

Stay home, stay safe and pray.

Sa gitna ng krisis na kinakaharap ngayon ng ating bansa at maging ng buong mundo, marami pa rin talaga sa ating kilalang personalidad ang may ginintuang puso na tumutulong.

Saludo kami sa mga katulad nina Angel Locsin, Vice Ganda, Anne Curtis, Bela Padilla, Matteo Guidicelli, Pokwang, Ivana Alawi, Gerald Anderson, Kim Chiu, Judy Ann Santos, Maine Mendoza, Herbert Bautista, Ronnie Liang, Willie Revillame, Kris Aquino at maraming iba pa na patuloy na nagi-effort para makapagbigay ng ayuda.

Kakaiba rin ang fundraising programs at relief efforts na ipinamamalas ng ABS-CBN at GMA .Ganoon din ang iba pang mga cause-oriented projects ng iba’t ibang grupo ,

Ang amin din pong pagsaludo sa mga frontliner na patuloy na ginagampanan ang mga tungkulin. Itinataya nila ang kanilang mga buhay para makatulong na maisalba at hindi mahawaan ang iba sa COVID-19.

Tonite – Wendys Inhouse Ad