Abante Tonite Interactive

Mga cellphone, laptop sa Bilibid pinitpit ng pison

169

Dinurog ng isang pison ang samu’t saring­ kontrabando na nakum­piska mula sa mga selda ng mga preso sa loob ng New Bilibid Prison­ (NBP) sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Bandang alas-otso ng umaga nang isagawa ang pagdurog ng mga kontrabando at tumulong na rin si Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag sa pagwasak, partikular na ang mga cellphone gamit ang maso.

Napakaraming electronic gadget kabilang na ang mga cellphone, laptop, powerbank charger, portable WiFi at mga patalim ang winasak sa labas ng NBP matapos ang flag raising ceremony.

Ayon kay Bantag, kusa na rin umanong isinuko ng mga inmate ang kanilang mga itinagong kontrabando simu­la nang isagawa ang sunod-sunod na clearing­ operation sa loob ng NBP.

Halos isang malaking drum naman ng mga tabako ang sinunog ng mga tauhan ng BuCor. (Armida Rico)